Psalms 60:5-12

5Iligtas nʼyo kami sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
Pakinggan nʼyo kami,
upang kaming mga iniibig nʼyo ay maligtas.
6O Dios, sinabi nʼyo roon sa inyong templo,
“Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucot
para ipamigay sa aking mga mamamayan.
7Sa akin ang Gilead at Manase,
ang Efraim ay gagawin kong tanggulan
tanggulan: sa literal, helmet.

at ang Juda ang aking tagapamahala.
tagapamahala: sa literal, setro ng hari.

8Ang Moab ang aking utusan
utusan: sa literal, planggana na panghugas ng mukha, kamay, at paa.
at ang Edom ay sa akin din.
sa akin din: o, aking alipin. Sa literal, tapunan ko ng aking sandalyas.

Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”
9Sinong magdadala sa akin sa Edom
at sa bayan nito na napapalibutan ng pader?
10Sino na ang makakatulong, O Dios, ngayong itinakwil nʼyo na kami?
Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal.
11Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway,
dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.
12Sa tulong nʼyo, O Dios,
kami ay magtatagumpay
dahil tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway.
Copyright information for TglASD